|
Pagsali ng mga Dayuhan sa Lipunan
Mga Gawain na Boluntaryo
|
Pagsali ng mga Dayuhan sa Lipunan
Pagkatapos ng kasaysayan ng pagkakahiwalay ng Hapon sa mga dayuhan, unti-unting bumubukas ang pintuan ng lipunan ng Hapon sa mga dayuhan. Ang mga batas, mga regulasyon at mga serbisyong pangkapakanan (>>Kapakanan)
na sa dati ay hindi kasali ang mga dayuhan, ngayon ay unti-unting kinikilala
ang mga dayuhan bilang mga mamamayan ng bansang Hapon. Gayunman, may mga bahagi
pa rin na hindi bukas para sa mga dayuhan.
[Pinagbabawal na Gawain]
Ang mga Dayuhan ay Hindi Maaaring:
○bumoto sa halalan o eleksyon
○humingi ng kahilingan sa lokal na kapulungan o asamblea, humingi ng pagsusuri sa mga ginagawa ng pamahalaan
○maging lingkod ng bayan/civil servant
(Unti-unti nang dumadami ang mga posisyon na maaaring magtrabaho ang isang dayuhan sa pamamahalaan. Sumula sa taong 2001, ang pagsusulit para sa pagkalap o pagkuha ng mga lingkod ng bayan na ginagawa ng Iwate Personnel Commission ay pinawalang-bisa ang pagbabawal sa aplikasyon ng isang dayuhan. Dahil dito ang sistema ng pagkalap ay lalong napabuti. Gayunman, mayroon pa ring mga pagbabawal sa pagpapatrabaho ng isang dayuhan. Kabilang dito ay ang mga halal na posisyon at mga gawain na kinakailangan ang pagpasya para sa kapakanan ng bayan. Kailaingan ding maging isang Hapon para makapasok bilang isang guro sa mga pampublikong paaralan o isang pulis. Tawagan ang opisina ng Iwate
Personnel Commission para sa karagdagang kaalaman pahina)
|
[Limitasyon sa Kalayaan ng mga Dayuhan]
|