Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Lipunan at
Kapakanan

Pagpapatrabaho ng mga Dayuhan

Opisina sa Paghahanap ng Trabaho
(Employment Security Office-
Hello Work)

Mga Impormasyon Tungkol
sa Trabaho

Mga Pamantayan sa Trabaho

Minimum Wage
(Pinakamababang Sahod na Tinatakda)

Pagpapaalis sa Trabaho

Insurance ng Trabaho

Insurance sa Bayad-Pinsala
/ Aksidente ng Manggagawa

Pagkonsulta Tungkol sa Trabaho

Insurance sa Bayad-Pinsala/ Aksidente ng Manggagawa

Ang insurance sa bayad-pinsala ng manggagawa ay sumasakop sa mga pagkamatay, pagkakaroon ng kapansanan at pagkakapinsala para sa mga lalaki at babae (sa kabila ng titulo o ranggo) kung ito ay may kinalaman sa trabaho. Sa panahon ng pagkakasakit o pinsala, nabibilang sa mga benepisyo ang pagbabayad sa pagpapagamot at sick leave. Mayroon ding kabayaran para sa pagkakaroon ng kapansanan o pagkamatay.

Kinakailangang isali ng mga nagpapatrabaho ang kanilang mga manggagawa sa programang ito at ang nagpapatrabaho ang magbabayad sa buong halaga ng premium o hulugan.

Ang kahilingan sa bayad-pinsala ay pinag-aaralan ng Labor Standards Inspection Offioce kung makatanggap ng kahilingan mula sa manggagawa. Ang dahilan ng pagkapinsala dahil sa trabaho ay isinaalang-alang para malaman kung kailangan bang bayaran. Ang isang aksidente na natamo sa panahon ng pagpunta sa pinagtatrabahuan ay maaaring maging isang dahilan at maaaring makatanggap ng kabayaran.

Tawagan ang Labor Standards Inspection Office (>>Pagkonsulta Tungkol sa Trabaho) para sa mga katanungan sa sisitemang ito.

Ayon sa panuntunan, kung ikaw ay nandito sa bansang Hapon bilang isang trainee, ikaw ay hindi mabibilang sa insurance na ito.

image