|
Pagpapatrabaho ng mga Dayuhan
Opisina sa Paghahanap ng Trabaho (Employment Security Office- Hello Work)
Mga Impormasyon Tungkol sa Trabaho
Mga Pamantayan sa Trabaho
Minimum Wage (Pinakamababang Sahod na Tinatakda)
Pagpapaalis sa Trabaho
Insurance ng Trabaho
Insurance sa Bayad-Pinsala / Aksidente ng Manggagawa
Pagkonsulta Tungkol sa Trabaho
|
Mga Pamantayan sa Trabaho
Ang mga dayuhan na nakatira sa bansang Hapon ay nasasailalim din sa mga batas na may kinalaman ang trabaho. Para mapangalagaan ang mga manggagawa, na kadalasan ay ang naaapi, kailangang sumunod ang mga nagpapatrabaho sa mga pamantayan sa trabaho ayon sa Batas sa Pamantayan sa Trabaho. Ang mga hindi susunod ay mananagot sa batas.
[Hango sa Batas ng mga Pamantayan sa Trabaho]
* Dapat pantay ang pakikitungo ng mga nagpapatrabaho sa kanilang manggagawa lalung-lalo na sa sahod, oras ng trabaho o kondisyon ng trabaho at hindi tinatangi ayon sa nasyonalidad, pananampalataya o antas sa lipunan ng isang manggagawa.
* Dapat pantay ang pakikitungo ng mga nagpapatrabaho sa mga babaeng manggagawa na katulad sa mga lalaki lalung-lalo na sa sahod at hindi tinatangi dahil sila ay babae.
* Dapat hindi pilitin ng mga nagpapatrabaho ang kanilang mga manggagawa sa pagtrabaho na labag sa kanilang kalooban sa pamamagitan ng dahas, pananakot, pagkukulong, o iba pang di makatarungan na paraan na pumipigil sa mental o pisikal na kalayaan ng manggagawa.
* Maliban kung pinahihintulutan ng batas, walang tao ang makibahagi sa kita sa pamamagitan ng pakikialam, kung ito ay isang negosyo, sa pagpapatrabaho ng iba. (Ito’y pumipigil sa pagsasamantala, gayunman pinakakaloob nito ang pagkuha ng buwis, at iba pa.)
* Dapat 40 na oras lang sa isang linggo ang pagpapatrabaho sa mga manggagawa kabilang na dito ang oras sa pagpapahinga. (Gayunman, pinapapahintulatan din ang overtime.)
* Dapat pinagkakaloob ang taunang leave with pay ayon sa batas.
* Dapat hindi nagpapatrabaho ng mga bata. Maaaring magpapatrabaho ng bata kung ang bata ay 15 taong gulang na sa ika-31 ng Marso.
|
|