Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Lipunan at
Kapakanan

Sistema ng Pensiyon

Pensiyon para sa Kapakanan

Pambansang Pensiyon

Isang-beses na Pagkuha ng Pensiyon

Pensiyon para sa Kapakanan

Ang pensiyon para sa kapakanan ay maaari sa mga empleyado na may edad 70 pababa, maliban sa mga nagtatrabaho nang maikling panahon o pansamantala lamang. Ang mga kompanya ang nagpapalista ng kanilang mga manggagawa sa opisina ng social insurance, at ang hulugan para sa pensiyon ay binabayaran kasabay ng hulugan para sa health insurance (>>Sistema ng Health Insurance). Ang hulugan para sa pensiyon ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagmultiplay ng buwanang sahod katulad ng sa health insurance. Ang hulugan ay pinaghahatian ng kompanya (kinukuha mula sa kompanya) at ng manggagawa (kinukuha mula sa sahod at bonus). Para sa karagdagang detalye, tumawag sa local na opisina ng social insurance. ( >> Health (Social) Insurance )