Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Lipunan at
Kapakanan

Sistema ng Pensiyon

Pensiyon para sa Kapakanan

Pambansang Pensiyon

Isang-beses na Pagkuha ng Pensiyon

Pambansang Pensiyon

Ang lahat ng nasa-gulang na may edad 20~60 at nakatira sa bansang Hapon ay kinakailangang sumali sa programa ng pambansang pensiyon. (Ang mga miyembro ng pensiyon para sa kapakanan at ang kanilang mga asawa ay kusang nakasali. Gayunman ang ibang kasambahay ay kailangang magparehistro.)

Ang aplikasyon para makasali, at para makatanggap ng pensiyon ay ginagawa ng sangay para sa pensiyon ng lokal na munisipyo (kailangan ang selyo ng pangalan at makakatanggap ng libro ng pensiyon).
Ang buwanang hulugan para sa mga hindi nakasali sa pensiyon para sa kapakanan ay:
13,860 yen
Kung sakaling mababa ang kinikita o may kahirapan sa pagbayad, maaaring mag-aplay para sa iksemsiyon.