Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi

Pagsali sa mga Gawain Maliban sa Itinakda ng Status of Residence

Pagbabago ng status of Residence

Pagpahaba sa Tagal ng Pamamalagi

Permanent Residency

Pagtataglay ng Pasaporte

Paglipat ng Selyo ng Pasaporte

Mga Opisina ng Imigrasyon

Konsultasyon tungkol sa
imigrasyon

Mga Babayarin sa
Pangangasiwa

Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi

Ang Pahintulot para sa Pagbaba na dinikit sa inyong pasaporte ay magbibigay ng datalye para sa status of residence at tagal nito.

May mga 27 iba’t ibang uri ng status (>>Status of Residence), at ang katagalan ng mga ito ay magkaiba rin.

Ayon sa panununtunan, ang mga bagay na pinapayagang gawin ng isang dayuhan ay itinatakda ng kanilang status of residence.(Hindi kabilang dito ang mga permanent residents, dependents of Japanese nationals o permanent resident, o long-term residents.) Halimbawa, kung ikaw ay papasok sa bansang Hapon bilang isang temporary visitor o college student, hindi ka maaaring magtrabaho ayon sa iyong status. Maliban kung ikaw ay nakakuha ng Permission to Engage in an Activity Other Than That Permitted by the Status of Residence Previously Granted (isang permiso para makapagtrabaho), ang pagtatrabaho at pagtanggap ng suweldo ay labag sa batas na maari maging daan sa isang criminal na prosekusiyon at maaaring ma-deport. Hindi rin puwede na manirahan sa bansang hapon nang mas mahaba sa itinagal ng iyong status na walang pahintulot na pahabain ang iyong pamamalagi.

Ang aplikasyon para sa pahintulot na sumali sa mga gawain naliban sa itinakda ng iyong status of residence, o pahintulot na magpalit ng status, ay kailangang isumite sa lokal na tanggapan ng imigrasyon (>>Pagsali sa mga Gawain Maliban sa Itinakda ng Status of Residence). Gayun din, kung gustong tumigil sa bansang Hapon pagkatapos mag-wakas ang itinagal na pamamalagi, kailangang mag-aplay ng pahintulot na pahabain ang tagal ng iyong pamamalagi sa lokal na tanggapan ng imigrasyon (>>Pagpahaba sa Tagal ng Pamamalagi) bago mawalang bisa ang iyong pamamalagi.


Tignan din ang homepage ng Immigration Bureau
Visa Status of Residence Tagal ng pamamalagi Trabaho?
Diplomatic Diplomat
Official Official
Working Professor 1 taon, 3 taon
Artist 1 taon, 3 taon
Religious Activities 1 taon, 3 taon
Journalist 1 taon, 3 taon
Investor/
Business Manager
1 taon, 3 taon
Legal/
Accounting Services
1 taon, 3 taon
Medical Services 1 taon, 3 taon
Researcher 1 taon, 3 taon
Instructor 1 taon, 3 taon
Engineer 1 taon, 3 taon
Specialist in Humanities/ International Services 1 taon, 3 taon
Intra-company Transferee 1 taon, 3 taon
Entertainer 15 araw, 3 o 6 mos. ,1 taon
Skilled Labour 1 taon, 3 taon
Temporary o Transit Temporary Visitor 15, 30 o 90 days ×
General Cultural Activities 6 hanggang, 1 taon ×
College Student 1 taon, 2 taon ×
Pre-college Student 6 hanggang, 1 taon ×
Trainee 6 hanggang, 1 taon ×
Specified Dependent 3 or 6 hanggang,1, 2, o 3 taon ×
Designated Activities 6 mos, 1 taon, 3 taon Ang panahon ay tinatakda ng Minister of Justice depende
Spouse or Child of
Japanese National
1 taon, 3 taon
Spouse or Child of
Permanent Resident
1 taon, 3 taon
Long-term Resident ~3 taon
Ang panahon ay tinatakda ng Minister of Justice
Permanent Resident di limitado