Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi

Pagsali sa mga Gawain Maliban sa Itinakda ng Status of Residence

Pagbabago ng status of Residence

Pagpahaba sa Tagal ng Pamamalagi

Permanent Residency

Pagtataglay ng Pasaporte

Paglipat ng Selyo ng Pasaporte

Mga Opisina ng Imigrasyon

Konsultasyon tungkol sa
imigrasyon

Mga Babayarin sa
Pangangasiwa

Pagpahaba sa Tagal ng Pamamalagi

Kung gustong manatili sa bansang Hapon matapos magwakas ang tagal ng pamamalagi, kailangang mag-aplay para sa pahintulot ng pagpahaba ng pamamalagi bago magwakas ang itinakdang tagal na makikita sa pasaporte. Maaaring mag-aplay sa lokal na tanggapan ng imigrasyon, 2 buwan bago magwakas ang itinakdang tagal. Kung ang pag-aaplay ay pinahintulutan, makakatanggap ng selyo o istiker sa pasaporte bilang pahintulot ng pagpapahaba.

Kung mananatili sa bansang hapon pagkatapos magwakas ang tagal ng pamamalagi ng walang pahintulot, ikaw ay mananagot sa isang prosekusyon ng krimen at maaari kang pauwiin sa sarili mong bansa.

Maaaring hindi mapayagan and aplikasyon ng pahintulot, Lalo na sa mga temporary visitor, mahirap makatangap ng pahintulot para mapahaba ang tagal ng pamamalagi.

[Mga Dokumentong Kailangan]
· ・ Porm para sa aplikasyon

…1
· Dokumentong tinakda ng Ministry of Justice batay sa uri ng aktibidad

…1 bawat dokumento
(Para sa karagdagang impormasyon tumawag lamang sa tanggapan ng imigrasyon o sa branch nito sa inyong lugar)

· Ipapakita ang pasaporte at Alien Card

・Ipapakita ang anumang dokumentong maaaring makapagpakilala sa inyo (Sa kasong ang magbibigay ng aplikasyon ay isang kinatawan)

image