Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi

Pagsali sa mga Gawain Maliban sa Itinakda ng Status of Residence

Pagbabago ng status of Residence

Pagpahaba sa Tagal ng Pamamalagi

Permanent Residency

Pagtataglay ng Pasaporte

Paglipat ng Selyo ng Pasaporte

Mga Opisina ng Imigrasyon

Konsultasyon tungkol sa
imigrasyon

Mga Babayarin sa
Pangangasiwa

Pagsali sa mga Gawain Maliban sa Itinakda ng Status of Residence

Ang isang estudyante na nagpapart-time job at tumatanggap ng sahod habang sila ay nag-aaral isang halimbawa ng mga pagsali sa mga gawain maliban sa itinakda ng status of residence. Kung gustong sumali sa mga gawain na hindi itinakda ng kasalukuyang status, kailangan mag-aplay ng pahintulot sa local na tanggapan ng imigrasyon. Puwedeng mag-aplay ang mga estudyante sa kamilang paaralan kaysa mag-aplay nang diretso sa opisina ng imigrasyon.

Paki-tandaan na hindi kinakailangang makakuha ng pahintulot para sa mga gawaing walang bayad tulad ng pag-boboluntaryo, o pagsali sa isang komperinsiya kung saan makakatanggap ng regalong pera. Gayunman, kapag ang esudyante ay magkakaroon ng trabaho pagkatapos ng kamilang pag-aaral, kailangan nilang mag-aplay para sa pahintulot para palitan ang kanilang status, hindi lang pahintulot na sasali sa mga gawain maliban sa itinakda sa status of residence.

Ang mga aplikasyon na simali sa mga gawain maliban doon sa mga itinakda ay tatanggihan kung ito ay nakakasira sa mga gawain na talagang itinakda ng status of residence; halimbawa, ang estudyante ay nagtatrabaho nag mahigit 28 na oras sa isang lingo, ito ay ipinalalagay na hindi na nila mapagtotoonan ang kanilang pag-aaral, at matatanggihan ang kamilang aplikasyon.

[Dokumento]
· Porm para sa aplikasyon

…………………1
· Katibayan ng mga karagdagang gawain na sasalihan
(kontrara ng pinagtatrabahuan, at iba pa)
…………………1each
(employment contract, etc)
· Ipapakita ang pasaporte at Alien Card
· Ipapakita ang anumang dokumentong maaaring makapagpakilala sa inyo (Sa kasong ang magbibigay ng aplikasyon ay isang kinatawan)

[Halimbawa Ang pinahihintulot na oras at iba pa, para sa mga mag-aaaral]
· Mag-aaral galing ibang bansa (maliban sa mga nananaliksik o kumukuha lamang ng panayam

……~28 oras sa isang lingo
· Para sa mga mag-aaral na nanaliksik o kumukuha lang ng panayam
……~14 oras sa isang lingo
(*Sa panahon ng mahabang bakasyo ng pinapasukang paaralan, sa loob ng 8 oras sa 1 araw)

· Para sa mga mag-aaral ng espesyal na kurso o sa eskwelahang tekniko

…… 28 oras sa isang lingo (~8 oras sa isang araw tuwing bakasyon)
· Para sa mga mag-aaral na pumasok sa paaralang Hapon ~4 oras sa isang araw
*Gayuhan sa mga part-time job sa mga negosyong nagbibigay kasiyahan sa gabi ay hindi pinapayagan.