![]() |
![]() |
Pamamaraan ng |
|
Pamamahala ng Imigrasyon para sa Lahat Status of Residence (Uri ng Visa), Katibayan ng Pegiging Karapadapat |
Status of Residence (Uri ng Visa), Katibayan ng Pegiging KarapadapatAny pagtatanong ay ginagawa sa panahon ng pagbaba sa bansang Hapon para malaman kung ang sinulat na pakay sa pagpasok ay hindi pinalsipika at malaman din na ang dayuhan ay karapadapat makapasok ayon sa kondisyon na itinakda ng pamahalaang Hapon. Ang Katibayan ng Pagiging Karapatadapat, na makukuha bago pupunta ng bansang Hapon, ay ginawa upang pabilisin ang pagpasok sa bansa.Ang Katibayan ng Pagiging Karapatdapat ay nagpapatunay na ang aplikante na may pakay maliban sa “short-term visitor “ o “permanent resident” ay karapatdapat sa kondisyon na itinakda ng pamahalaan. Ang aplikasyon para sa katibayan ng Pagiging Kadapatdapat ay kadalasang ginagawa sa Regional Immigration Beareau kung saan maninirahan ang aplikante. Ang aplikasyon ay gagawin ng isang residente ng bansang Hapon na nagsisilbing kinatawan ng aplikante. Para sa mga aplikante na gustong manirahan (o magtrabaho at iba pa) sa Iwate, ang aplikasyon ay ginagawa sa Sendai Regional Immigration Bureau o sa Morioka Branch Office (>>Mga Opisina ng Imigrasyon). Ang paglakad ng aplikasyon sa immigration bireau ay ginagawa ng administrative solicitor na binigyan ng kapangyarihan ng Minister of Jusitice. Ayon sa regulasyon ng Hapon, ang mga itiniyak na tao lamang ang tatayong kinatawan ng aplikante.
Ang aplikasyon ay kailangang may kasamang dokumento. Ayon sa status of residence na hihingin (>>Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi) magkaiba ang dokumento na kakailanganin, at may mga pangyayari kung saan may hinihinging mga karagdagang dokumento.
|