Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Pamamahala ng Imigrasyon para sa Lahat

Pamamaraan ng Imigrasyon

Visa

Disembarkation(Pagbaba)

Status of Residence (Uri ng Visa), Katibayan ng Pegiging Karapadapat

Re-entry Permit

Visa

Para sa mga dayuhan kung saan ang pinagmulang bansa ay may kasunduan sa bansang Hapon tungkol sa pag-uurong ng visa, maaaring makapasok sa bansang Hapon na walang visa hanggang tatlong buwan o 90 araw (6 na buwan sa ibang bansa). Sa kasalukuyan, nahigit 60 na bansa ang nabibilang sa kasunduan na ito.

Para sa mga dayuhan kung saan ang pinagmulang bansa ay hindi nasasakop sa kasunduan, kailangang mag-aplay at makatanggap ng selyo ng visa sa pasaporte galing sa lokal na embahada ng bansang Hapon. Sa aplikasyon ng visa, pakisulatan ang naaangkop na application form, na makukuha sa mga embanada ng bansang Hapon, at ilakip ang lahat na mga kinakailangang dokumento. Depende sa pakay ng pagbisita, ang dami ng kopya at uri ng mga dokumento na kinakailangan ay magkaiba. Tiyakin ito sa lokal na embahada ng bansang Hapon.

Ang mga sumusunod ay ang mga status of residence (uri ng visa) para sa mga dayuhan sa bansang Hapon (>>Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi).

Visa Status of Residence
Diplomat diplomats
Official public officials
Employment professor, journalist, instructor, engineer, entertainer, skilled labour, etc.
Other college student, pre-college student, trainee, dependent
Transit, Temporary short-term (special landing permission, temporary visitor)
Designated designated activities, spouse or child of Japanese national, long-term resident, etc.


Ministry of Justice Homepage