Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Pamamahala ng Imigrasyon para sa Lahat

Pamamaraan ng Imigrasyon

Visa

Disembarkation(Pagbaba)

Status of Residence (Uri ng Visa), Katibayan ng Pegiging Karapadapat

Re-entry Permit

Pamamahala ng Imigrasyon para sa Lahat

Sa panahon ngayon, nagsisikap ang bansang Hapon na buksan ang kanilang pinto sa buong daigdig. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ang mga dayuhan ay agad-agad makapasok ng bansa nang walang pagbabawal. Mga mahalagang tanong tulad ng, ano ang pakay ng pagpunta sa bansang Hapon? Gaano katagal ang pamamalagi sa bansa? Banta ba sila sa hanapbuhay ng mga Hapon? At kung dati ay nakapamalagi ba sila sa bansang Hapon?, ang mga tanong na ito ay ginagamit upang malaman kung ang isang dayuhan ay papayagan na makapamalagi sa bansang Hapon. Ang pamamahala ng imigrasyon ay nagiging mahalaga habang dumarami ang pumapasok na dayuhan sa bansa. Ang hamon ngayon ng mga opisyal ng imigrasyon ay ang pagtiyak ng madaling pagpasok ng mga dayuhan na karapatdapat na makapasok ng bansa at manuhay nang mapayapa, habang pinapangalagaan din ang kaligtasan at kaunlaran ng bansa sa mga dayuhan na hindi karapatdapat na makapasok ng bansa.

image