Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Pamamahala ng Imigrasyon para sa Lahat

Pamamaraan ng Imigrasyon

Visa

Disembarkation(Pagbaba)

Status of Residence (Uri ng Visa), Katibayan ng Pegiging Karapadapat

Re-entry Permit

Disembarkation(Pagbaba)

Sa bansang Hapon, magkaiba ang kahulugan ng “pagpasok” at “pagbaba”. Ang “pagpasok” ay nangangahulugang pagpasok sa teritoryo ng bansang Hapon o sa kanilang karagatan, habang ang “pagbaba” ay nangangahulugang pagdating sa bansang Hapon. Ang visa ay parang rekomendasyon na sulat na nagpapahintulot sa pagpasok sa teritoryo ng bansang Hapon, gayunman hindi ito gumagarantiya ng karapatan ng pagbaba. Sa pagdating/pagbaba sa airport o serport ng bansang Hapon, ikaw ay tatanungin ng opisyal ng imigrasyon. Isang bases lang bibigyan ng selyo ng pahintulot ng pagbaba ang iyong pasaporte at pagkatapos, ikaw ay pinapahintulutan na makababa sa bansa.

Ang batas sa pamamahala ng Imigrasyon sa bansang Hapon (Immigration- Control and Refugee-Recognition Act) ang nagtatakda sa uri ng visa (status of residence) at kung gaano ito katagal, at ito ay ayon sa pakay ng pagpasok sa bansang Hapon ng isang dayuhan.

May mga pangyayaki kung saan bibigyan ng “Special Landing Permission” ang mga tauhan at pasahero ng sasakyang panghimpapawid at pandagat kung ito ay hihingi ng pansamantalang pagpasok. (Permission for Landing at Port of Call: Hanggang 72 oras; Permission for Landing Transit: hanggang 15 araw; Transit Pass: hanggang 3 araw).

image
Makikita sa iyong selyo ng pahintulot ng pagbaba “kung kailan ito ibinigay”,”Uring Visa (Status of Residence)”, “gaano ito katagal” (>>Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi) at airport/seaport na binabaan”