Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Sistema ng Pagpaparehistro ng Isang Dayuhan

Pagpaparehistro ng Dayuhan Card (Gaikokujin Toroku Shomeisho)

Sertipiko ng Pagkukumpleto ng Alien Registration (Gaikokujin Toroku Genpyo Kisai Jiko Shomeisho)

Pamamaraan ng Alien Registration

Pagpaparehistro ng Pagbabago sa Naparehistrong Detalye

Muling Pagpapa-isyu ng Sertipiko ng Alien Registration

Pagpapalit ng Sertipiko ng Alien Registration

Aplikasyon para sa Pagpapatunay sa mga katotohan ng Alien Registration

Kriminal na Prosekusyon

Pamamaraan ng Alien Registration

Ang mga dayuhan ay kailangan na mag-aplay sa lakal na munisipyo para sa alien registiration sa loob ng 90 araw sa pagdating sa bansang Hapon (>>Disembarkation[Pagbaba]) o sa loob ng 60 araw sa kaso ng kapanganakan.

Para mag-aplay kailangang personal na pumunta sa lokal na munisipyo (mga batang 16 pababa ay maaring iparehistro ng isang kinatawan na kanilang kasambahay). Ang alien registration ay karaniwang ginagawa sa residents’ department (ang eksaktong pangalan ay maaring magkaiba ayon sa opisina), parehong dapartamento sa pagrehistro ng pamilya at residente. Ang pagpaparehistro ay walang bayad.


[Dokumento]
(1) Pasaporte
(Pala sa mga bansang walang pasaporte maaari na mang isang travel document na ibibigay ng Embahada ng bansang Hapon sa inyong bansa.)
(2) Larawan x 2
(3.5cm x 4.5cm, kinuha sa nakaraang 6 na buwan, walang sombrero, buong mukha)