Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamamaraan ng
Imigrasyon

Sistema ng Pagpaparehistro ng Isang Dayuhan

Pagpaparehistro ng Dayuhan Card (Gaikokujin Toroku Shomeisho)

Sertipiko ng Pagkukumpleto ng Alien Registration (Gaikokujin Toroku Genpyo Kisai Jiko Shomeisho)

Pamamaraan ng Alien Registration

Pagpaparehistro ng Pagbabago sa Naparehistrong Detalye

Muling Pagpapa-isyu ng Sertipiko ng Alien Registration

Pagpapalit ng Sertipiko ng Alien Registration

Aplikasyon para sa Pagpapatunay sa mga katotohan ng Alien Registration

Kriminal na Prosekusyon

Sistema ng Pagpaparehistro ng Isang Dayuhan

Mga personal na datalye sa lahat ng mga Hapon, halimbawa kapanganakan, kaangkanan at pagpapalpsal, ay nakatala sa rehistro ng pamilya. Mga impormasyon sa mga naninirahan at sambahayan ay nakatala rin sa rehistro ng pamilya. Ang mga rehistrong ito ay kailangan kung magbibigay ng serbisyong pangkapakanan at personal na identipikasyon.

Gayunman, hindi kabilang sa rehistro ng pamilya at residente ang mga dayuhan kaya ang bahaging ito ay ginagampanan ng pagrerehistro ng dayuhan (alien registration). Ayon sa batas ng pagpaparehistro ng dayuhan, ang lahat ng mga dayuhang naninirahan sa bansang Hapon nang mahigit 90 araw ay kailangang mag-aplay para sa alien registration. Maaari ring mag-aplay ang mga naninirahan sa bansang Hapon nang mas mababa sa 90 araw kung ito’y ninanais.

Kung may pagababago sa datalye ng rehistro (>>Pagpaparehistro ng Pagbabago sa Naparehistrong Detalye) o kung ang panahon ng pagrerehistro ay nagwakas (>>Aplikasyon para sa Pagpapatunay sa mga katotohan ng Alien Registration) kailangan sununod sa mga itinakdang pamamaraan.

Kailangan magparehistro sa opisina ng lokal na manisipyo ng siyudad, bayan o nayon kung saan ka naninirahan. Ang iyong nakarehistrong datalye ay nakatala sa rekord ng alien registration ng iyong lokal na munisipyo at sa Ministry of Justice sa kanilang immigration records.

Ang rekord ng isang tao ay pinapanatiling kompidensyal. Ang mga datalye ng rekord ng alian registration ay hindi ipinapakita sa ibang tao maliban sa may-ari ng rekord, at mabibigay lamang sa mga awtoridad ng lokal na pamahalaan kung may sapat na katuwiran.