![]() |
![]() |
Pang-araw-araw na |
|
Sistema ng Pagbubuwis sa bansang Hapon Pagbubuwis para sa mga Dayuhan Inhabitant’s Tax |
Income Tax ReturnsAng panghuling income tax return ay kalkula ng natanggap na kita at buwis na nabayaran sa isang taon. Ang final returns ay kailangang i-file sa Tax Office mula ika-16 ng Pebrero hanggang ika-15 ng Marso sa susunod na taon na mga taong kailangang magbayad ng buwis.Ang malaking mayoriya mg mga may suweldong empleyado na nagtatarabaho sa isang lugar at hindi tumatanggap ng suweldo sa ibang paraan ay hindi na kailangang mag-file ng panghuling tax return. Gayunman, sa mga kaso kung saan ang kinikitang natatanggap ay galing sa maraming pinagkukunan,maaring maisauli ang buwis na binawas kung mag-file ng tax return, kaya kailangang kumunsulta sa tanggapan o opisyal ng suweldo,o sa lokal na tax office. (Paalala)Para sa mga dayuhan, may pagkakaiba na ginawa sa pagitan ng “residente” (sa mga naninirahan sa bansang hapon nang patuloy sa loob ng isang taon), kung saan may kaso na mag-file ng panghuling tax return; at “hindi residente” (sa mga taong hindi itinuturing na residente), na kailangang magbayad ng buwis sa itinatakdang kita sa loob ng basang Hapon.Kung ang iyong bansa ay may kasunduan ukol sa buwis sa bansang Hapon, maaaring makakuha ng iksemsiyon sa pagbayad ng income tax sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang “Application Form for Income Tax Convention” sa Tax Office. Para sa karagdagang detalye pakitawagan ang embahada ng iyong bansa sa bansang hapon o sa lokal na Tax Office. ( >> Embassies and Consulates) |