Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pang-araw-araw na
Patakaran

Sistema ng Pagbubuwis sa bansang Hapon

Pagbubuwis para sa mga Dayuhan

Income Tax

Income Tax Returns

Mga Pagbabawas sa Buwis

Kita gailing sa Sahod

Inhabitant’s Tax
(Buwis ng Naninirahan)

Buwis sa Paggamit at Lokal na Buwis sa Paggamit

Buwis ng Selyo
(Stamp tax)

Pag-aadjust ng Buwis sa
Katapusan ng Taon

Inhabitant’s Tax
(Buwis ng Naninirahan)

Ang inhabitant’s tax ay isang salita na sumasakop sa prefectural at munisipal na inhabitant’s tax ng isang tao. Ito ay binabayaran ng lahat ng residente sa prefecture at munisipalidad mula noong ika-1 ng Enero. Ang mga dayuhan ay magbabayad ng buwis sa munisipyo kung saan nila ginawa ang alien registration ( >> Alien Registration System)at ang prefecture kung saan matatagpuan ang munisipalidad.

Kaya, kahit hindi ka nagbabayad ng buwis ng residente sa taon na dumating ka sa bansang Hapon, kung nasa bansang hapon ka sa ika-1 ng Enero, sa susunod na taon mabubuwisan ka para sa taong iyon, Ito ay nauukol kahit na aalis ka na sa bansa sa taon ding yun.

Maaaring pumili na magbayad sa iyong resident tax nang isang beses sa buwang Hunyo o sa 4 na hulog-hulogan sa mga buwang Hunyo, Agasto, Oktubre at Enero. Maaring ibawas ang resident tax sa buwanang sahod para sa mga manggagawa, pareho sa income tax.


Prefectural Inhabitant Tax sa Isang Tao Bahagi ng Suweldo  
4% + 1,000 yen (Buwis ng probinsiya para sa paggawa ng gubat)
Munisipal Inhabitant Tax sa Isang Tao Bahagi ng Suweldo ~2 million yen 3%
~7 million yen 8%
7 million yen~ 12%
Permanenteng Bahagi Populasyon ng Munisipal > 50,000 …… 2,500 yen
Populasyon ng Manisipal< 50,000 …… 2,000 yen
6%