Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pang-araw-araw na
Patakaran

Lokal na Samahan/ Asosasyon ng mga Kapitbahay (Chonaikai )

Samahan ng mga Bata

Pagbati sa Tagumpay at Pakikiramay

Paglilinis ng Yelo

Ang magandang pakikisama sa mga kapitbahay ay isang paraam para sa isang maayos, payapa, magandang pamumuhay sa bansang Hapon. Kahit na tatoo ito sa buong Iwate, totoo rin ito sa ibang lugar. Maari itong nakakabigo sa iyo minsan, pero ang pagpapanatili ng isang magiliw na relasyon sa mga kapitbahay ay isang mabisang paraan para maiwasan ang away at hindi pagkakaintindihan.

Gayunman, parehong importante at ganap na tanggap na maayos na tanggihan ang mga bagay na hindi magkakasundo sa mga sariling paniniwala, kahit na mga bagay na puwedeng ipakita bilang “lokal na kaugalian.”

Lokal na Samahan/ Asosasyon ng mga Kapitbahay
(Chonaikai )

Kahit saan ka tumira laging may mga lokal na samahan ng mga kapitbahay, na mas kilalang Chonaikai, Importante para sa samahan ng lokal na lipunan at pagpapabuti ng pamumuhay sa paligid, ang Chonaikai ay kumakatawan sa isang bahagi ng pamahalaan na pinagpapasiyahan ng lokal na munisipyo. Impormasyon galing sa munisipyo ay madalas na idinadaan sa pamamagitan ng Chonaikai.

Ang pagiging kasapi ng Chonaikai ay hindi sapilitan, gayunman para sa pagpapanatili ng mabuting pakikisama ng mga magkakapitbahay ay mas mabuti na sumali. Bukod sa mga panlipunang pagtitipon, ang Chonaikai ay gumagawa para sa pagpapanatili sa lokal na kapaligiran (kabilang dito ang pagpapanatili sa kalinisan ng lugar, sa tinatapunan ng basura, ng mga ilaw sa kalsada, at ng mga sentro sa komunidad). Maaaring sabihin na ang pagsali sa lokal na Chonaikai ay ang presyo na babayaran para sa mga benepisiyo na makukuha.

Ang bayad sa pagiging kasapi para sa Chonaikai ay magkaiba pero ito ay nasa mga hundred yen sa isang buwan. Ikaw ay maaaring anyayahan na sumali sa mga fundraising at sa ibang kaso para makapaglingkod bilang opisyal ng Chonaikai.

Samahan ng mga Bata

Ang Chonaikai ay nagpapatakbo rin ng isang samahan ng mga bata para mapaunlad ang panlipunang pag-iisip ng mga lokal na mga bata. Karaniwan ito ay para sa mga batang nasa elementarya, ang samahan ng mga bata ay mayroong iba’t-ibang mga gawain (kabilang na ang pagkokolekta ng mga maaari pang ma-recycle na gamit) sa panahon ng taglamig at tag-araw na bakasyon.

Pagbati sa Tagumpay at Pakikiramay

Ang pagpapakasal at libing ay kabilang sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay, at minsan kasama dito ang maraming mga kaibigan, kasamahan, at kapitbahay.

Sa mga pagdiriwang tulad ng kasal, tradisyon na ang magbigay ng para na inilalagay sa isang sobre para sa perang regalo,bilang regalo sa araw na iyon.

Ang seremonya ng Buddhista ay ang pinakakilalang uri ng paglilibing. Sa gabi ng pagkamatay ng tao, o sa susunod na gabi, may buong gabing paglalamay .sa patay na kung saan ang mga malalapit na kamag-anak at kapitbahay ay nagsasamasama. Sa susunod na araw ay ang libing. Kung papunta sa isang libing isang tradisyon na ang pag-aalay sa patay sa pamamagitan ng paglagay ng para sa loob ng espesyal na itim, at puting sobre. Bagamat maaaring magsuot ng karaniwang damit sa gabi ng paglalamay, ang mga lalaki ay kailangang magsuot ng itim o maitim na bughaw na terno at itim na sapatos at medias sa paglilibing, at sa mga babae ay kailangang magsuot ng itin na panglamay na damit at seguradohing walang mga dagdag ng gamit na kulay ginto o pilak.

Paglilinis ng Yelo

Kahit ang munisipyo ang namamahala sa paglilinis ng yelo/ niyebe sa pampublikong kalsada, ang mga sasakyan sa paglinis ay minsan mahina sa pag-abot, o maari ring hindi maka-abot sa ibang, lugar. Sa mga lugar na ito ang mga lokal na naninirahan ay kailangang magkaisa sa paglinis ng kalsada.


image Basahin at ipasa ang mensahe (kairanban) sa tamang oras.