|
Dumi
Alagang Hayop
|
Alagang Hayop
Karamihan sa mga kasunduan sa pag-uupa ng apartment ay nagbabawal ng pag-aalaga ng hayop, kaya dapat na tiyakin ito. Bawal na pinababayaang makalabas ang isang hayop, at kailangan ang mga aso ay nakatali, kabilang na dito kung pinapalakad ito sa labas. Tungkulin ng may-ari ng hayop ang paglinis sa dumi ng kanilang hayop (karamihan ay nagdadala ng plastik para sa dumi). Dahil sa malapit ang mga bahay sa bansang Hapon, ang pag-aalaga ng hayop ay nagiging sanhi ng problema tulad ng pagkagambala ng kapitbahay dahil sa ingay ng aso. Dapat na isipin itong mabuti bago mag-alaga ng hayop.
Ang mga aso na may edad 91 na araw at pataas ay kailangang iparehistro at pabakunahan. Maaari itong gawin sa minisipyo at sa mga itinakdang beterinaryo.
Tungkulin ng may-ari ang paglinis sa dumi at ihi ng alagang hayop.
|
|