![]() |
![]() |
Pang-araw-araw na |
|
Pag-recyle ng mga pambahay na Dekuryenteng Kagamitan/ Aplayanses |
Pagtapon ng BasuraAng Ordinaryong basura ng bahay ay kinukolekta bilang libreng serbisyo na binibigay ng lokal na munisipalidad. Ang mga basurang nakakolekta galing sa mga kalakalan (industriya na basura), ay maari lamang itapon ng isang operator na may pasilidad para sa basurang ito at ito ay may bayad.Ang ordinaryang basura ng bahay ay pinagbukud-bukod bilang “masusunog”, “hindi masusunog”, “puwede pang magamit” at “malalaking basura” at ito’y itinatakda ng lokal na munisipalidad, at kailangang itapon sa araw na itinakda (sa isang linggo), sa itinakdang oras at sa paraan na itinakda ng munisipalidad. Depende sa lugar, ang lugar na pinagtatapunan ay maaaring takpan o hindi takpan. Dapat ding malaman na may ibang lokal na munisipalidad na may itinatakdang klase ng bag sa basura na gagamitin.
|