|
Pagmamana ng Ari-arian
Pagpaparehistro ng Ari-arian
|
Pagmamana ng Ari-arian
Kapag may isang malapit na kamag-anak na pumanaw, hindi maiiwasan ang problema sa pagmamana ng ari-arian. Sa kalagayan ng mga Hapon, ang pagmamana ay ibibigay lamang sa naiwang asawa at mga anak. Kung walang anak, ang magulang ng yumao ay magiging isa sa mga tagapagmana; kung wala na ring mga magulang, ang mga nabubuhay na mga kapatid ang kinikilalang tagapagmana..
Bagamat ang bahagi ng ari-arian na matatanggap ng bawat tagapagmana ay itinatakda ng batas, ang yumao ay maaaring mag-iwan ng isang testamento kung paano ibahagi ang ari-arian.
Sa kalagayan ng mga dayuhan, ang pagmamana ng ari-arian ay ibinabatay sa batas ng pagmamana ng bansa ng yumao.
|