Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Legal na isyu

Ang Nasyonalidad ng mga Bata

Naturalisasyon

Ang Nasyonalidad ng mga Bata

Ang bata, sa kahit na anong mga sumusunod na kaso, ay dapat magkaroon ng nasyonalidad ng bansang Hapon pagakapanganak:
(1) Kung, sa oras ng kapanganakan, ang ama o ang ina ay isang Hapon.

(2) Kung ang ama ay namatay bago pa nasisilang ang bata at ito ay isang Hapon sa panahon ng kanyang pagkamatay.

(3) Kung ang dalawang magulang ay walang nasyonalidad sa kaso kung saan ang bata ay naisilang sa bansang Hapon.

Ang batas ng nasyonalidad ng bansang Hapon ay sumasang-ayon sa prinsipyo ng magkadugo na nangangahulugang kahit saan ipinanganak ang bata, kung isa sa mga magulang ay isang Hapon, ang bata ay makakakuha ng Hapon na nasyonalidad. (Hanggang sa rebisyon noong 1984, ang batas ng nasyonalidad ay sumasang-ayon sa prinsipyo ng magkadugo.)

Kung ang dalawang magulang ay mga Hapon, ang nasyonalidad ng kanilang bata ay automatic na Hapon. Gayunman, kung ang ama ay isang Hapon at ang ina ay isang dayuhan , kailangang kasal (de jure) ang mga magulang para makakuha ng nasyonalidad ang mga bata. Kung ang kanilang kasal ay de facto pagkapanganak ng bata, ang bata ay maaaring makakuha ng Hapon na nasyonalidad sa kondisyon na ang ama (isang Hapon) ay kumikilala sa bata na kanya sa pamamagitan ng pagpasa ng tamang dokumento sa Minister of Justice. Para sa ibang detalye, tawagan ang Morioka District Legal Affairs Bureau (019-624-9856).

Sa mga taong may dalawang nasyonalidad (Hapon at ibang nasyonalidad) pagkapanganak sa isang bansa maliban sa bansang Hapon ay mawawala ang Hapon na nasyonalidad mula pagkapanganak kung hindi naipaalam ang panganganak at ang pagkakaroon ng Hapon na nasyonalidad sa lokal na embahada ng bansang Hapon sa loob ng 3 buwang sa kapanganakan. Ang mga Hapon na may dalawang nasyonalidad mula pagkabata ay kailangang pumili ng isang nasyonalidad bago umabot sa edad na 22.