Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Legal na isyu

Ang Nasyonalidad ng mga Bata

Naturalisasyon

Naturalisasyon

Ang mga Dayuhan ay maaaring kilalanin bilang isang Hapon sa pamamagitan ng naturalisasyon, na kinakailangan na mag-aplay sa Legal Affairs Bureau. Ang mga mahalagang kondisyon ay ang mga sumusunod:
(1) Siya naninirahan sa bansang Hapon ng limang taon na sunod-sunod.

(2) Siya ay may edad na 20 o higit pa at may buong kapasidad ayon sa batas ng kanyang sariling bansa. (Mga menor de edad na kasal na ay hindi kasama.)

(3) Siya ay may mabuting asal.

(4) Siya ay may-kaya na maghanapbuhay gamit ang kanyang kakayahan o ari-arian, o sa kanyang asawa o kamag-anak kung saan pinaghahatian nila ang pang-araw-araw na gastos.

(5) Siya ay walang nasyonalidad, o ang pagkakaroon ng Hapon na nasyonalidad bmagreresulta sa kawalan ng dayuhang nasyonalidad.

Ang mga kondisyong ito ay pinapagaan sa mga taong pinanganak sa bansang Hapon, at sa mga asawa ng mga Hapon. Ang mga menor de edad ay kailangang mag-aplay kasama ang kanilang mga magulang.

Ang mga dokumento para sa naturalisasyon ay magkaiba ayon sa kaso. Para sa ibang mga detalye tumawag sa Legal Affairs Bureau. Sa Iwate, ang aplikasyon ay tinatanggap sa Morioka District Legal Affairs Bureau (019-624-9856). Kung maari tumawag ng mas maaga para kompirmahin ang mga kakailanganing dokumento at ang petsa at oras para sa isang pagkikita. .

Dapat malaman na ang pamamaraan ng naturalisasyon ay ginagawa ng may maiging pag-iingat, kaya ito ay nangangailangan ng sapat na panahon.