Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Legal na isyu

Internasyonal na Pagkakasal

Diborsiyo

Internasyonal na Pagkakasal

Ang pagkakasal ng isang Hapon at isang dayuhan ay kailangang iparehistro sa lokal na munisipyo, o sa rehistro ng pamilya ng Hapon na magpapakasal. Ang mga kondisyon sa pagpapakasal ng kanilang bawat bansa ay kailangang matugunan.

Ang isang Hapon ay kailangang nasa legal na edad kung magpapakasal (16 para sa babae, 18 para sa lalaki) o may pahintulot ng kanilang tagapangalaga, wala pang asawa (ang poligamya ay ipinagbabawal). Para sa mga babae dapat 6 na buwan ang lumipas mula ng kanyang huling diborsiyo. Ang ikakasal ay dapat hindi galing sa parehong pamilya (maliban kung sila ay mag pinsan).

Dapat patunayan ng isang dayuhan na natupad niya ang lahat ng mga kondisyon para sa pagpapakasal ng kanyang bansa. Ang iyong embahada sa bansang Hapon ang maglalabas ng isang Satisfaction of Marriage Condition Certificate (katibayan na puwede kang ikasal). Gayunman, nasa local na tanggapan kung ito ay tatanggapin o hindi ang sertipiko, dapat ay tingnan ito mas maaga.

[Karaniwang Dokumento]
(1) form para sa pagpaparehistro ng pagpapakasal (2 may sapat na gulang na witnes ang kailangan)

(2) (para sa mga Hapon) kopya ng rehistro ng pamilya (hindi na kailangan kung ang pagpaparehistro ng kasal ay sa sariling bayan ng Hapon)

(3) (para sa mga dayuhan) Satisfaction of Marriage Conditions Certificate

Ipakita sa seksiyon ng rehistro ng pamilya Pagtanggap ng Pagkakasal
Para i-report ang isang kasal na ginawa sa labas ng bansang Hapon, ang mga sumusunod ay kailangan:

[Dokumento]
(1) form ng pagpaparehistro ng pagpapakasal (hindi kailangan ang lagda ng dayuhan at witness)

(2) Sertipiko ng pagpapakasal

(3) Patunay ng nasyonalidad ng dayuhan

(4) Patunay ng pagkakakilanlan ng dayuhan, halimbawa, birth certificate

(5) Pagsasalin ng nasa itaas

Ipakita sa seksiyon ng rehistro ng pamilya Pagtanggap ng Pagkakasal