|
|
Kontrata/Kasunduan
Tayo ay nakatira sa mundo ng kontrata. Kahit hindi ito napapansin, ang ating mga buhay ay nakatali sa iba’t-ibang mga kontrata.
Hindi nakukumpleto ang kontrata sa palitan ng mga dokumento ng kontrata, ngunit kailangan din ang pagpapahayag ng aplikasyon at pahintulot. Subalit ang mga kontrata na napagkasunduan ayon sa mga sumusunod na pangyayari o bagay-bagay ay ituturing na walang-bisa at ito ay kakanselahin.
(1) kontrata na ginawa ng isang menor de edad na walang pahintulot ng magulang
(2) mali ang pagkakaunawa sa mga detalye ng kontrata
(3) alam ng kontratista na hindi talaga sumasang-ayon ang kabilang parte
(4) ang kontrata ay kinumpleto na labag sa kalooban ng kabilang parte gamit ang pananakot at pandaraya
(5) ang pagkalito o ang maling pagkaunawa sa panahon ng paglagda (ayon sa Consumer Contracts Law)
|
Karamihan sa mga dayuhan ay hindi masyadong naiintindihan ang kontrata kaya madaling nagkakaroon ng problema. Kaya kung ikaw ay magpasyang pumasok sa isang kontrata, pinakamabuti na ikonsulta ito sa isang kaibigang Hapon at mag-ingat sa pagpapatuloy (>>Mga Kapakanan ng Mamimili).
|