Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Legal na isyu

Karapatang Pantao

Ang Deklarasyon ng Panlahatang Karapatang Pantao Artikulo 1 ay nagsasaad na, "Ang lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at pantay sa dignidad at karapatan. Sila ay pinagkalooban ng pagdadahilan at budhi at kailangang pangatawanan ang isa’t-isa sa diwa ng kapatiran.” Ang pagtatanggol sa lahat ng karapatan ng mga tao ay batayan ng isang sibilisadong lipunan.

Gayunman, minsan ang mga tao ay maaaring puminsala at magtatangi-tangi, halimbawa sa eskwelahan ng bansang hapon, ang pang-aapi ay naging isang malaking problema. Mangmang ang isang tao kung nagtatangi ito ng mga dayuhan. Kung ikaw ay naging biktima na ng isang diskriminasyon o pagtatangi, magkaroon ng lakas ng loob na pangatawanan at ipaglaban ang iyong kaso.

Ang Legal Affairs Bureau ay nagbibigay ng mga pangaral at pagpapayo para mapangalagaan ang karapatang pantao. Ang Legal Affairs Bureau at ang Human Rights Protection Committee ay nag-iimbistiga at humahawak sa mga kaso na ipinalagay na hindi sumusunod sa karapatang pantao batay sa paniniwala ng pangangalaga ng karapatang pantao.

image