![]() |
![]() |
Legal na isyu |
Mga Batas ng Bansang HaponAng mga batas ay patakaran upang mapanatili ang kaayusan sa lipunan at dapat na sundin ng mga mamamayan sa lipunan. Lahat ng mga dayuhan, bukod sa mga diplomat, na nasa bansang hapon, ay dapat sumunod sa batas ng bansang Hapon. Kung walang batas walang paraan para ayusin at kung kinakailangan, parurusahan ang kilos ng mga miyembro ng lipunan. Puwedeng sabihin na ang batas ay ginawa para sa kalayaan.Ang iba’t-ibang klase ng batas ng bansang Hapon ay ang mga sumusunod:
May maraming batas na pinapairal sa bansang hapon, at mahirap alamin ang lahat. Gayunman, kung ginagamit mo lang ang iyong sentido komon sa pang araw-araw na pamumuhay at walang ginagawa na magiging dahilan ng abala sa ibang tao, tiyak na walang batas na sinusuway. Gayunman, ang pagiging mangmang sa batas ay hindi dahilan para hindi ka parusahan kung hindi susundin ang batas. At pati ang iyong karapatan ay hindi mapakikinabangan kung hindi ito gagamitin. Dahil dito kinakailangan na tingnan ang lahat ng impormasyon na binibigay ng administrasyon. |