Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Legal na isyu

Mga Batas ng
Bansang Hapon

Sistema ng Hustisya

Halaga para sa Kaso

Abogado

Abogado

Kung hindi kayang ibigay ang malinaw na pakikipagtalo at mga patunay, matatalo ka sa kaso sa korte. Gayunman, ang pamamaraan sa korte ay magulo at mahirap na pamamahalaan sa sarili lamang. Ang mga abogado ay gumaganap bilang kinatawan sa pagpapamahala sa mga bagay-bagay.

Ang mga abogado ay eksperto sa batas hindi lamang sa paglilitis, pati na rin sa pamamaraan. Lahat ng mga abogado ay kailangang pumasa ng pagsusulit ng batas ng estado at makakuha ng naaalinsunod na pagsasanay. Kailangan din nilang sumali sa mga samahan ng mga lokal na abogado.

May mga 60 abogadong nagtatrabaho sa Iwate. Kung kinakailangan ng serbisyo ng isang abogado puwede kang magtanong sa mga samahan ng abogado sa Iwate para sa mga payo. (Telepono: 019-651-5095). Kung kukuha ng isang abogado, tandaan na kailangang magbayad alinsunod sa halaga ng kaso (halaga ng kahilingan, perang ibibigay sa iyo, atbp.)