|
|
Serbisyo ng Pagpapadala sa Bahay
Ang mga serbisyo ng pagpapadala sa bahay (karaniwan ito ay tinatawag na Takkyubin sa Hapon, bagamat ito’y pangalan ng kompanya) ay mga pribadong serbisyo ng pagpapadala sa loob ng bansa. Ang serbisyong ito ay inaalok ng mga kompanya sa pamamagitan ng mga ahente tulad ng mga tindahan (convenience store), at naghahatid ng mga bagaheng mas mababa sa 30kg. Ang mga takda sa bigat at sukat, at ang bayad ay magkaiba sa bawat serbisyo.
Maaaring makapagpadala ng bagahe mula sa bahay at sa mga outlet tulad ng mga department store, supermarket at mga convenience store. Bagamat ang koreo ay nagahahatid ng mga bagahe hanggang 18kg, ang mga pribadong kompanyang ito ay nagdadala ng bagahe hanggang 30kg at 170c㎥.
Kabilang sa mga karagdagang serbisyo ay ang pagpapadala sa tinakdang araw, pagpapadala sa gabi at pagpapadala ng mga sariwang pagkain. Maaari ring makapagpadala ng bagahe mula at hanggang airport, at ito’y kapakipakinabang kung pupunta sa ibang bansa.
|