![]() |
![]() |
Kaalaman sa
|
|
Mahahalagang Palatandaan Pagpapalipat ng Lisensya ng Pagmamaneho Pagkuha ng Iksamen sa |
Patakaran sa TrapikoAng mga patakaran sa trapiko ay itinatag para igarantiya ang kaligtasan at magandang daloy ng trapiko. Isang katangian ng sistema ng daan sa bansang Hapon, maliban sa mga hi-way, ay lahat ng daan nasa lugar kung saan ang mga tao ay naninirahan o nagtatrabaho, kaya nagreresulta ito sa isang sitwasyon kung saan nagsasalubong ang mga daan at naghahalo ang sasakyan, bisikleta at mga tao.Dahil dito at para maging maganda ang daloy ng trapiko at maiwasan ang aksidente, ay mahigpit na binabantayan ang paglabag sa batas ng trapiko. Depende sa uri ng paglabag, maaari kang magbayad ng multa o isuspende ang iyong lisensya, may mabigat na parusa para sa nagmamaneho ngh mabilis at lalo na kung ito ay nakainom habang nagmamaneho. Hindi lang sa mga ang nagmamaneho, kasama na rin ang mga taong naglalakad at nagbibisikleta ay dapat sumunod sa mga batas ng trapiko at ng mga palantandaan sa kalsada para hindi sila nagiging sanhi ng gulo sa ibang gumagamit ng kalsada. |