![]() |
![]() |
Kaalaman sa
|
|
Mahahalagang Palatandaan Pagpapalipat ng Lisensya ng Pagmamaneho Pagkuha ng Iksamen sa |
Transportasyon sa IwateAng pangunahing transportasyon sa loob ng prefecture ay ang mga bus at mga tren. Gayunman, kung tungkol sa dami at dalas ng mga serbisyo ang mga ito ay hindi makukumpara sa mga malalaking lungsod. Sa magkakasunod na mga taon ang dami ng mga pribadong sasakyan ay tumataas, kung saan ito nagiging dahilan ng pagbaba na paggamit ng mga pampublikong sasakyan.>> Buksan ang mapa [Tren]JR : Tohoku Shinkansen (Tokyo~Moirka~Hachinohe), Akita Shinkansen (Tokyo~Morioka~Akita) Tohoku Main Line (Morioka~Ueno), Tazawako Line (Morioka~Omagari), Kitakami Line (Kitakami~Yokote), Yamada Line (Morioka~Miyako~Kamaishi), Kamaishi Line (Kamaishi~Tono~Hanamaki), Ofunato Line (Sakari~Rikuzentakata~Ichinoseki), Hachinohe Line (Kuji~Hachinohe), Hanawa Line (Koma~Odate), Iwaizumi Line (Iwaizumi~Moichi)IGR Iwate Galaxy Railway : Iwate Ginga Line (Morioka~Metoki) Sanriku Tetsudo: Kita Rias (Miyako~Kuji), Minami Rias (Kamaishi~Sakari) [Bus]Ang serbisyo ng mga bus ay nahahati sa Iwateken Kotsu sa Timog na bahagi ng Morioka, at sa Iwate Konpoku sa Hilagang bahagi ng Morioka. Ang ibang mga lokal na serbisyo ay inaalok ng JR bus lines.[Taksi]Madalas kang makakakita ng taksii sa bayan na naghihintay sa labas ng istasyon, sa harap ng hotel at sa downtown Maliban sa mga lugar na ito kailangan mong tumawag sa mga kompanya ng taxi.[Transportasyong Panghimpapawid]Ang kaisa-isang airport ng Iwate na Iwate Hanamaki Airport ay matatagpuan sa Hanamaki at mararating ito sa pamamagitan ng mga regular na bus galing ng Morioka, Hanamaki at kitakami, kung gagamit ng bus galing Morioka, ito’y aabot ng 1 oras. |