Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kaalaman sa
Pamumuhay

Mga Uri ng Institusyon ng Pananalapi

Account para sa Deposito

Librito ng Bangko

Kard ng Bangko

Maglipat ng Salapi Gamit ang Bangko

Direct Debit

International Remittances
(pagpapadala ng Pera sa Ibang Bansa)

Foreign Currency Exchange
(Palitan ng Halaga ng Salapi)

Loan (Pagpapautang)

Credit Cards

Direct Debit

Ang direct debit ay pamamaraan kung saan ginagamit ang iyong account sa regular na pagbayad sa isang kampanya. Halimbawa, maaaring bayaran ang kuryente gamit ang direct debit, ito’y nangangahulugang hindi na kailangang alalahanin ang pagbayad buwan-buwan. Sa halip, ang eksaktong halaga ay automatik na ibabawas sa iyong account at idedeposit sa account ng kompanya ng kuryente. Sa kasalukuyan, ang sistemang ito ay maaari nang gamitin sa mga iba’t ibang kampanya kabilang na ang sa kuryente, tubig at gas.

Para makagamit ng direct debit, kailangan lang sulatan ang form para sa aplikasyon ng direct debit. Huwag kalimutang gamitin ang selyo ng pangalan at ibigay ito sa institusyon ng pananalapi. Makukuha din ang mga form na ito sa mga convenience store pati na rin sa ibang mga tindahan. Mapapadala ang mga form na ito gamit ang post office.