Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kaalaman sa
Pamumuhay

Mga Uri ng Institusyon ng Pananalapi

Account para sa Deposito

Librito ng Bangko

Kard ng Bangko

Maglipat ng Salapi Gamit ang Bangko

Direct Debit

International Remittances
(pagpapadala ng Pera sa Ibang Bansa)

Foreign Currency Exchange
(Palitan ng Halaga ng Salapi)

Loan (Pagpapautang)

Credit Cards

Kard ng Bangko

Kapag magbukas ng account sa bangko, maaaring humingi ng kard ng bangko pati na rin ang librito. Ang mga bangko ay karaniwang bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon. Gayunman maaaring makakuha ng salapi sa mga ATM na matatagpuan sa mga bangko. Ito ay bukas hanggang alas 7 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes at hanggang alas 5 ng hapon sa Sabado at Linggo (bagamat magkaiba ang oras ng mga bangko). Maaari rin gumamit ng ATM sa ibang bangko gamit ang iyong account. Kadalasan may bayad ang paggamit tulad ng pagkuha ng salapi. Sa paggamit ng kard ng bangko, kakailanganin ang PIN number sa halip na selyo ng pangalan.

Kailangang ipasok sa makina ang kard ng bangko at pindutin ang PIN number at ang halaga ng salapi na nais kuhain.

photo