|
|
Mga Kapakanan ng Mamimili
Wala talagang katapusan ang pangangalakal ng mga mandaraya o manananso sa pagtitinda ng mga mahal na palsipikadong mga bagay. Kung maraming mga mamamayang Hapon ang nadadala sa kanilang mga “sales talk”, mahalaga sa mga dayuhan na wala masyadong kaalaman sa wika at kultura na makilala ang mga mandaraya. Kilalanin kung ang pagiging magiliw ng isang tao ay nagpapahiwatig ba ng mabuting layunin o ito ay hindi makatotohanan.
Kailiangang maging alisto sa mga di-pagkakaunawaan. Tandaan na ang kaugalian ng mamimili ay iba sa iyong bansa, at tiyakin ang lahat na mga datalye ng transaksiyon o unawaan sa negosyo bago sumang-ayon.
Para maiwasan ang mga suliranin na may kaugnayan sa mamimili, mayroong sistema ng “panahon ng pagpapalamig” kung saan ay maaaring ipawalang-bisa ang isang kontrara sa loob ng itinakdang panahon.
[Sistema ng Panahon ng Pagpapalaming (Door-toDoor na Pagbebenta)]
(1) Ang kontrara ay ginawa sa isang lugar maliban sa lugar ng pangangalakal.
(2) Ito ay nasa loob ng walong araw ng pagpapalitan ng mga kontrara o usapan.
(3) Ang halaga ng kontrara ay higit \3,000.
(4) Kabilang sa mga produkto ay ang mga produktong nabiblang sa pagbebenta sa mga kabahayan (Door-to-Door Sales) at Batas ng pagbebenta gamit ang Internet (Internet Sales Law): produkto, serbisyo at karapatan.
(5) Ang produkto o ang nabiling bagay ay hindi pa nabuksan at nagamit.
|
|
Ang pagpapawalang-bisa ng kontrara sa sistem ng pagpapalamig ay kailangang ipahayag nang malinaw sa pamamagitan ng pagsulat ng pagpapawalang-bisa ng kontrara.
|
Maaaring tawagan ang Sentro para sa Mamimili ng Lalawigan ng Iwate (Iwate Prefercture Citizens’ Consumer Centre) o ang Kawanihan ng Pagpapaunlad ng Lalawigan (Regional Promotion Burean) (maliban ang Morioka) para sa mga payo tungkol sa mga suliranin ng mamimili at tungkol sa sistema ng Pagpapalamig).
|
Iwate Prefecture Citizens’ Consumer Centre (Chuo-dori 3-chome, Morioka) 019-624-2209
|
|