Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kung May Gulo

Lindol

Tsunami

Mga Bagyo at baha

Lindol

Ang lindol sa bansang Hapon ay pangkaraniwan, at sa katotohanan madalas ito sa Iwate. Gayumnan, karamihang parte ng lalawigan ay nasa matibay na pundasyon na nasa ginta ng mga kabundukan ng Kitakami, ang mga pinsala ng dahil sa lindol kung ikukumpara ay maliit lang.

Gayunman, tayo ay pinapaalalahanan noong 1995 sa pamamagitan ng pamiminsala ng malakas na lindol sa Hanshin-Awaji sa loob at labas ng Kobe, Hyogo prefecture, ang limdol kapwa malaki at maliit ay dumarating na walang babala. Napakaimportante na sa pangaraw-araw natin ay maghanda tayo sa ganyang mga pangyayari.

○Maghanda ng Maaga
・Hanapin kung saan puwede makalikas na pinakamalapit sa tintirhan.
・Magpasiya kung saan magkikita kasama ang iyong pamilya kung kakailanganing lumikas.
・Tingnan kung kahit ano sa iyong muwebles/bagay ay maaaring mahulog.
・Tingnan kung may mga lugar na mapanganib na malapit sa iyong bahay.
・Kung may mga matatanda, mahina, o may kapansanan sa iyong pamilya o kahit sa magkakapit-bahay, kailangang maging handa na tumulong sa kanila.

○Maghanda para sa isang biglang pangangailangan at magpasiya kung saan ito ilalagay (pagkain,pangunahing lunas,damit, libreta sa bangko, selyo ng pangnlan, redyo, plaslayt (tanglaw) , atbp).

○Sa panahon ng lindol importante ang pagiging kalmado.
・Kung nasa loob ka, buksan ang pinto at bintana para hindi ka makulong sa loob.
・Kahit sa panahon ng malaking lindol tumatagal lang ito ng isang minuto, dapat na maging lang at magtago sa ilalim ng lamesa. Patayin ang apoy.

○Lumisan ng mahinahon
・Maglakad lang huwag gamitin ang sasakyan o kahit anong sasakyan. Magdala ng kaunting gamit lamang para madaling makadalaw.
・Maging alerto sa bagay na mahuhulog at hindi matatag o sa mga gusali na guguho.
・Kunin ang mga impormasyon gamit ang telebisyon at radyo; huwag magpadaya sa mga bulung-bulungan at sa mga hindi totoo.

●Klasipikasyon ng Lindol ng Meteorological Agency

Eskala ng Kalakhan Paglalarawan
1 Mararamdaman ng bahagya kapag nasa loob.
2 Mga ikaw na nasa bubong at ibang bagay na nakabitay ay uugoy nang bahagya.
3 Mga bagay sa istante ay gumagalaw.
4 Mga bagay ba nakabitay ay uugoy ng malakas; ang mga bagay na hindi matatag na pagkagawa ay maaring mahulog.
5 mahina Ang mga bagay na hindi matatag na pagkagawa ay mahuhulog; maaring mabasag at masira ang mga bintana.
5 malakas Maaring mahulog ang telebisyon sa kinalalagyan; ang hindi kongkreto-bloke na pader at lapida ay maaring lumagapak.
6 mahina Ang ibang gusali na yasi sa kahoy ay maaring tumumba, mabibitak at pag-guho ng lupa ay maaring mangyari.
6 malakas Ang baldosang pader at bintana ay masisira at mahuhulog ;ang ibang gusali na yari sa bakal ay maaring gumuho.
7 Karamihan san mga gusali ay tatagilid o guguho; o pagguho ng lupa, at ibang sakuna ay mangyayari.