Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kung May Gulo

Wikang Hapon

Mahirap ang mamuhay sa bansang Hapon lalo na sa mga taong walang kakayahang magsalita sa wikang Hapon. Sa katunayan, karamihan sa mga organisasyon na nakalista sa libro na gabay para sa dayuhan ay nagbibigay sa kanilang mga serbisyo sa wikang Hapon lamang.

Kung ilaw ay mamamalagi sa bansang Hapon sa loob ng maikling panahon at ikaw ay may kasama na marunong magsalita ng wikang Hapon, o may tao sa pinagtatrabahuan na nakakaintindi sa iyo, malamang ikaw ay walang masyadong problema. Gayunman, kung may planong mamamalagi sa bansang Hapon, maikli man o mahabang panahon, ang pag-aaral ng wikang Hapon ay talagang nakakatulong.

Bagamat walang mga natatanging paaralan para sa pag-aaral ng wikang Hapon sa Iwate( >> Iwate International Center) , Ang Iwate International Association ay may listahan ng mga supporters na makakapagbigay ng tulong sa mga dayuhang nag-aaral ng wikang Hapon. Kumukuha din ng mga impormasyon ang samahang ito sa mga pribadong mga grupo na nagtuturo ng wikang Hapon. Kaya kung may problema o gustong mag-aral ng wikang Hapon, huwag mag-atubiling tawagan ang Iwate International Association (019-654-8900) na maaaring makapagpakilala ng isang supporter o makapagbigay ng iba pang impormasyon.