|
Pulisya
Pag-aresto at Pagkulong
|
Pag-aresto at Pagkulong
Ang mga sumusunod ayu nagpapaliwanag sa paraan ng pag-aresto at pagkulong sa bansang Hapon.
(1) Pagkatapos ng pagtatanong, ang suspect ay maaaring arestuhin at ikulong ng pulis sa loob ng 48 oras kung mapaghinalaang nakagawa ng isang krimen. Pagkatapos ng 48 oras, ang suspect ay pakakawalan o ang kaso ay ililipat sa prosecutor’s office.
(2) Kailangan matapos ng prosecutor’s office ang pagtatanong sa loob ng 24 oras (may kabuuang 72 oras mula nang inaresto) bago ito pakawalan o mag-aplay sa huwes para sa pagkulong sa presinto.
(3) Kapag natanggap ang aplikasyon para sa pagkulong, ang huwes ay kailangan magbigay ng utos para sa pagpapakulong. Gyunman, kapag hindi na kailangan ang pagpapakulong, ang huwes ay kailangan magbigay ng utos para pakawalan ang suspect. Ayon sa Article 208 ng Criminal Procedure Law, ang suspect ay maaaring makulong sa loob ng 10 araw. Gayunman, may mga pangyayari na mag-aaplay ang prosecutor para mapatagal ang pagkulong ng 10 araw (may kabuuang 20 araw).
(4) Ang prosecutor’s office ay may hanggang 20 araw (23 araw mula nang inaresto)
para maimbestigahan ang pinahinalaang krimen at mapakawalan o masakdal ayon sa
resulta. Kapag ang suspect ay nakakulong, maaari itong magbayad ng piyansa.
(5) Kailangan ipaalam sa suspect ang kanyang karapatan na humingi ng abogado
sa panahon ng pag-aresto. |
Maaaring makakuha ng serbisyo galing sa lokal na samahan ng mga abogado kahit
anong oras at sila ay maaatring matawagan ng suspect sa pamamagitan ng pulis,
prosecutor o huwes. Ang unang pagtatanggol ay libre ngunit ang susunod na paghaharap
ay kailangang bayaran. Sa mga suspect na may kahirapan sa pagbayad, maaaring
humingi ng tulong sa Japanse Legal Aid Association. ( >> Abogado) |