|
Pagbubuntis
Panganganak
Gastos sa Panganganak
Pagpaparehistro ng Panganganak
Pagpaparehistro bilang Dayuhan-Alien Registration
|
Pagpaparehistro ng Panganganak
Sa batas ang bansang Hapon (Batas ng Pagpaparehistro ng Pamilya), kailangang irehistro ang panganganak sa loob ng 14 na araw. Kabilang din dito ang mga dayuhan naninirahan sa bansang Hapon. Maaaring magparehistro sa kagawaran ng lokal na munisipyo na namamahala sa pagpaparehistro ng pamilya (Citizens Affairs Division-Dibisyon para sa kapakanan ng mamamayan).
|
[Dokumento]
(1) Form para pagpaparehistro ng panganganak (Shussei todoke; makukuha sa munispyo kung saan magpaparehistro)
(2) Katibayan ng panganganak-birth certificate (galing ng ospital)
(3) Selyo ng pangalan
|
|
Para sa mga dayuhan, kailangan sumunod sa batas ng pagpaparehistro ng iyong bansa,
kaya pakitawagan ito nang maaga. Habang nandito sa bansang Hapon, maaari itong
gawin sa embahada ng bansa. |