![]() |
![]() |
Kalusugan at
Pagpapalaki
|
PagbubuntisKung alam mo na ikaw ay nagdadalantao, kailangan mong sulatan ang form para sa pagpaparehistro ng pagbubuntis sa lokal na munisipyo o sa pampublikong health center. Ikaw ay makakatanggap ng libro na nagbibigay gabay sa Kalusugan ng Ina at Anak o ang Maternal and Child Health Handbook (Boshi Kenko Techo) at maaari ka nang makatanggap ng konsultasyon at gabay para sa iyong kalusugan. Sa bawat munisipalidad ay may nars para sa pampublikong kalusugan, kaya huwag mag-atubiling magpakonsulta.Ang libro na natanggap ay magsisilibing talaan ng pagbubuntis, panganganak, mga pagsusuri at bakuna na ibibigay sa iyong anak, at ang paglaki ng iyong anak. Ang librong ito ay magsisilbi ring bilang pasaporte para sa mga serbisyong matatanggap mula sa pamahalaan tulad ng pagpapatingin ng kalusugan, kaya kailangang dalhin ito sa lahat ng oras. Ang lokal na pamahalaan at mga ospital ay palaging nagdadaos ng mga seminar at workshop upang magbigay gabay para sa pagbubuntis, panganganak at mga suliranin pagkatapos ng panganganak. Ito ay para sa mga magulang. Minumungkahi naming sumali sa mga ito.
Ang Maternal and Child Health Handbook ay makukuha sa wikang Ingles, Instik, Koreano, Portuguese at Tagalog. Magtanong lamang sa Grupo sa Pagpalaganap ng Kaalaman Tungkol sa Kalusugan ng Ina at Bata, Pamilya (Boushi Hoken, Katei Hoken Kyouiku Fukyu Group). |