Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kalusugan at Pagpapalaki
at Pag-aalaga ng Bata

Sistema ng Edukasyon sa
Bansang Hapon

Sapilitang Edukasyon

Mga Programa sa Paaralan

Senior High School

University (Pamantasan)

Specialised Training Colleges

Sistema ng Edukasyon sa Bansang Hapon

Bagaman karapatan ng mga bata ang pagkakaroon ng edukasyon, tungkulin ng mga magulang ang papag-aralin ang kanilang mga anak.

Sa batas ng edukasyon sa paaralan ng bansang Hapon ang mga bata na may edad na anim na taon sa ikalawa ng Abril ay kailangang mabigyan ng sapilitang edukasyon. Ngunit ang batas na ito ay para sa mga Hapon lamang at hindi kasali ang mga dayuhan. Ayon sa batas, ang mga dayuhan ay maaaring pumasok sa mga Amerikanong o Koreanong paaralan at ang mga paaralang at ang mga paaralang ito ay hindi nasasakop sa sistema ng bansang Hapon.

Sa kasawiang palad, dito sa Iwate ay walang international school, kaya ang mga anak ng mga dayuhan ay pumapasok sa mga paaralan na katulad ng mga batang Hapon. Kung ang bata ay hindi marunong sa wikang Hapon, konsultahin ang lokal na kagawaran ng edukasyon. May mga sitwasyon din kung saan sumasang-ayon ang mga magukang, ang bata ay papasok sa batang na mas mababa para sa kanyang edad, at maaaring makatanggap ng karagdagang bayad para sa pag-aaral ng wika, o may iba pang paraan kung saan sumasang-ayon ang dalawang panig.

[Sistema ng paaralan ng Bansang Hapon]

Japanese School System
*(ang gulang na nakasulat sa itaas ay ayon sa mag-aaral na tumutuloy sa bawat batang na walang bagsak).

*Sa lahat na institusyon na nakasulat sa itaas maliban sa sapilitang edukasyon, kailangang makapasa sa pagsusulit sa pagpasok o entrance exam.