|
Sistema ng Edukasyon sa Bansang Hapon
Sapilitang Edukasyon
Mga Programa sa Paaralan
Senior High School
University (Pamantasan)
Specialised Training Colleges
|
Senior High School
May iba’t ibang mga high school dito sa Iwate, Pag-aari ng lalawigan(78), pag-aari ng munisipalidad(1), pribado(13), pati na rin ang mga vocational school sa larangan ng komersyo, teknolohiya at agrikultura. Para makapasok sa kahit na alin sa mga paaralan na ito, kailangang makapasa ang bata sa pagsusulit para sa pagpasok o entrance exam.
[Pamantayan sa Pag-aplay]
(1) Ang bata ay kailangang 15 taong gulang man lamang sa ika-2 ng Abril ng taon na balak pumasok
(2) Kailangang nakatapos ng junior high school bago magsimula. O kailangang nakatapos ng 9 taon ng edukasyon sa paaralan sa ibang bansa
|
[Matrikula/Bayad sa Pag-aaral]
Application fee (bayad sa pag-aaplay)
|
…………………2,200yen |
Entrance fee (Bayad sa pagpasok)
|
…………………5,650yen |
| Tuition fees (Matrikula) |
…………………9,300yen/ buwan-buwan |
《Ang mga datalyeng ito ay para sa panglalawigang high school sa buong bansang Hapon.》
|
Para sa mga karagdagang datalye, tawagan ang Guidance Division ng Prefectural Board of Education (Pangkat ng Pagpatnubay ng Panglalawigang Lupon ng Edukasyon) (tel. 019-629-6141); para sa mga pribadong paaralan tawagan ang nang deretso ang paaralan.
|