Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kalusugan at Pagpapalaki
at Pag-aalaga ng Bata

Sistema ng Edukasyon sa
Bansang Hapon

Sapilitang Edukasyon

Mga Programa sa Paaralan

Senior High School

University (Pamantasan)

Specialised Training Colleges

Sapilitang Edukasyon

Ang lahat na mga bata na 6 taong gulang hanggang 15 taong gulang ay kailangang pumasok sa elementary at junior high school. Kabilang na dito ang mga paaralan para sa mga bata may espesyal na pangangalangan tulad ng mga may kahirapan sa paningin at pandinig, at sa mga may kapansanan. Ang pamahalaan ng lokal na munisipalidad ang namamahala sa karamihan ng mga elementary at junior high school na paaralan, kaya kailangang pumasok ang bata sa paaralan na itinalaga ayon sa lugar na tinitirahan. Para sa mga kaalaman tungkol sa pagpasok sa mga paaralan na ito, tawagan ang lokal na kagawaran ng edukasyon.
Ang mga bata ay nag-aaral mula Lunes hanggang Biyernes. Ang klase ay natatapos sa hapon at ang mga oras ng mga klase ay magkaiba ayon sa baitang. Ang paaralan ay nagsisimula sa ika-1 ng Abril at nagtatapos hanggang ika-31 ng Marso.

[Matrikula/Bayad sa Pag-aaral]
○Walang bayad ang matrikula at mga libro sa mga pampublikong paaralan.
○Kailangang bayaran ang pananghalian ng bata at mga kagamitan para sa pag-aaral.