Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kalusugan at Pagpapalaki
at Pag-aalaga ng Bata

Sistema ng Edukasyon sa
Bansang Hapon

Sapilitang Edukasyon

Mga Programa sa Paaralan

Senior High School

University (Pamantasan)

Specialised Training Colleges

University (Pamantasan)

Mga pamantasan (4-taon) na matatagpuan sa Iwate:

Uri Pangalan Departamento Lokasyon/ Tel
National
(Nasyonal/
Pambansa)
Iwate University (Pamantasan ng Iwate) ・Agriculture (Agrikultura)
・Technology (Teknolohiya)
・Education (Pagtuturo)
・Humanities and Social Sciences (Araling panlipunan)
Ueda, Morioka
· 019-621-6006
Prefectural (Pnaglalawigan) Iwate Prefectural University (pamantasan ng Lalawigan ng Iwate) ・Nursing (Nars)
・Social Welfare
(Kapakanang Panlipunan)
・Software and Information (Kompyuter)
・Policy Studies
(pag-aaral ng patakaran)
Takizawa, Takizawa
· 019-694-2000
Private (Pribado) Iwate Medical University (Pamantasan ng Medisina ng Iwate) ・Medicine (Medisina)
・Dentistry (Pang-dentista)
Uchimaru, Morioka
· 019-651-5111
Kitasato University (pamantasan ng Kitasato) ・Fishery Science (pangingisda) Okirai, Sanriku, Ofunato
· 0192-44-2121
Morioka University (pamantasan ng Morioka) ・ Literature (Panitikan) Takizawa, Takizawa
· 019-688-5555
Fuji University (Pamantasan ng Fuji) ・ Economics (Ekonomiya) Shimoneko, Hanamaki
· 0198-23-6221

Ang edukasyon sa kolehiyo ay maaaring makuha sa mga iba’t ibang institusyon kabilang na dito ang mga junior college at technical college (mga institusyon ng edukasyon na nasasakop ng batas maliban sa Batas ng Edukasyon sa Paaralan).

Hinihiling ng mga unibersidad sa kanilang mga aplikante na makapasa sa entrance exam, bagaman may paaralan na tumatanggap batay lamang ng isang rekomendasyon.

[Pamantayan sa Pag-aplay sa Unibersidad]
(1) Ang aplikante ay kailangang 18 taong gulang sa pagdating ng ika-1 ng Abril ng taon na balak papasok sa unibersidad.

(2) Kailangang gawin ng mga aplikante ang mga susmusunod;
a) Nakatapos sa Hapon na senior high school bago magsimula

b) Nakapasa sa Pagsusulit para sa Pagiging Karapatdapat sa Pagpasok Unibersidad (University Entrance Qualification Certificate Examination) Magkakatulad na pagsusulit ay idinadaos sa buong bansa ng Hapon kung saan sunusuri ang kakayahan ng isang mag-aaral (katumbas ng isang taong nakatapos ng high school). Kahit na sino mula sa edad na 16 ay maaaring kumuha ng pagsusulit na ito.

c) Nakatapos ng 12 taon ng pag-aaral sa paaralan sa ibang bansa.

*Karaniwan ang pamamaraan ng aplikasyon ay nagsisimula sa buwan ng Enero, at ang mga pagsusulit para makapasok ay dinadaos sa buwan ng Pebrero at Marso. Para sa mga karagdagang kaalaman trawagan ang unibesidad.
*Ang pamamaraan para sa mga dayuhan mag-aaral ay iba.