Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kalusugan at Pagpapalaki
at Pag-aalaga ng Bata

Pagiging Malusog

Ang Health check-up o ang pagpapasuri ng kalusugan ay hindi kasali sa health insurance dahil ito ay para sa pag-iwas sa sakit at hindi para sa pagpapagamot. Kung magpapa-health check-up o magpapasuri sa kalusugan, babayaran ang buong halaga (100%) ng pagpapa-iksamen. Gayon pa man, dahil sa kahalagahan ng kalusugan ng mga mamamayan, may mga libre at marang check-up na palagiang binibigay ng lokal na pamahalaan para sa kanilang mga mamamayan. Kung intersado sa check-up na ito, tawagan ang lokal na health center kung saan ginagawa ang mga check-up. Ang mga datalye kung kailan at anong oras ginagawa ang mga check-up ay matatagpuan din sa mga pahayagan at bulletin ng lokal na munisipalidad (>>Bulitin / Mga Pahayagan).

Kung nagtatrabaho sa isang kompanya, ang kompanya ang nagbabayad sa palagiang check-up o pagsusuri ng kalusugan.

Tagapangasiwa Pagsusuri Paraan ng Pagsusuri Pagiging Karapatdapat
Municipal health centre(Health center ng munisipalidad) tuberculosis X-ray sa dibdib 65 taong gulang~
pangkalahatang kalusugan blood pressure, blood test, ECG, eye-ground exam, etc. 40 taong gulang ~
kanser sa tiyan X-ray sa tiyan 35taong gulang~
kanser sa baga X-ray sa dibdib, Pagsusuri sa plema 40 taong gulang~
kanser sa matris Pagsusuri sa matris 20 taong gulang~
kanser sa dibdib Visual and palpation examination 40 taong gulang~
Prefectural health centre*
(Health center ng lalawigan)
Pagpapayo sa kalusugan ng kaisipan Kung hihilingin
Pagsusuri ng dubo para sa HIV at iba pa Kung hihilingin
Sangguni tungkol sa mga sakit na hindi nagagamot Kung hihilingin
*Kagawaran ng Kalusugan, kapakanan at Kapaligiran, Kawanihan ng Pagpapaunlad ng Rehiyon