|
Pagtitingin sa kalusugan (medical check-up) at mga bukuna para sa mga sanggol
Mga Daycare Center
Bayad sa Daycare
Mga Kondisyon para Makapasok
Iba pa
Mga Kindergarten
Mga Ibang Center na Nag-aalaga ng Bata
Mga Center para sa paggagabay sa Bata
|
Mga Daycare Center
Kung ang isa sa mga magulang ay hindi pwedeng mag-alaga sa araw sa kanilang mga anak na hindi pa pumapasok sa paaralan dahil sa trabaho o sakit, maaari nilang ipasok ang kanilang anak sa isang daycare center. Mayroong mga pampubliko at pribadong mga center. Ang pansimulang oras, edad ng pagiging karapatdapat at bayad ay magkakaiba at ito ibabatay sa suweldo ng magulang.
Hindi kinakailagang maipasok ang inyong bata sa isang daycare center na malapit sa iyong bahay, kaya pakitanong sa sangay para sa kapakanan o welfare department ng munisipyo.
[Pagkakaroon ng Bakante at Aplikasyon]
Maaaring gawin ang aplikasyon kahit anong oras, ngunit dahil karamihan sa mga daycare center ay puno, hindi garantisado na makapasok. Ang pinakamadaling panahon para makapasok ay sa buwan ng Abril, ng simula ng klase sa mga paaralan. Ang aplikasyon para makapasok sa Abril ay ginagawa sa Disyembre.
[Mga Kinakailangang dokumento]
(1) Katibayan ng sahod ng puno ng pamilya (rekord ng mga buwis at iba pa; (>>Income Tax)
(2) Katibayan ng pagkakaroon ng trabaho
(3) Maternal and Child Health Book/Libro ng Ina at Anak (>>Pagbubuntis)
Ang pamamaraan ng aplikasyon sa munisipyo ay magkaiba at ito’y ibinabatay sa
iyong kalagayan, kaya pakitanong ito.
[Oras]
Ang mga daycare center ay karaniwang bukas mula 7:30am hanggang 6pm. May iba na iba at mas pinahaba ang oras. Pakitanong sa munisipyo para sa mga datalye.
|
|