|
Mga pagamutan
Pagpunta sa Oospital
Kaibahan ng Paraan sa panggagamot
Pagbibigay ng Gamot
Sistema ng Health Insurance
Health (Social) Insurance
National Health Insurance
Sustento para sa Pagpapagamot para sa mga Mag-aaral na Dayuhan
|
Pagpunta sa Oospital
|
Pagdating sa ospital, pumunta sa tumatanggap ng mga pasyente, at kung ito ang
unang pagkakataon sa pagpunta ng ospital, sabihin ang mga nararamdaman at ibigay
ang health insurance card (>>Health [Social) Insurance]).
|
 |
Maghintay na tawagin sa silid hintayan. Kadalasan ay kunukuha ang tamperatura ng katawan habang naghihintay.
|
 |
A ng doctor ay magtatanong ng iba’t ibang mga bagay tulad ng, ano ang mga nararamdaman, gaano na katagal ang sinasabing karamdaman, at kung may nalalaman sa pinagmulan ng karamdaman?
May mga pagsusuri o iksamen na gagawin ang doctor tulad ng pakiking sa dibdib gamit ang stethoscope, pagkuha ng blood pressure at pagbilang ng pulso. Kung kinakailangan, susuriin ang dugo (blood test), kukuhaan ng X-ray, ultrasound (echography), o susuriin din ang ihi.
|
 |
Ayon sa kondisyon ng katawan, maaaring mabigyan ng injection o may ilagay sa katawan. Kung kailangan ang resulta ng iba’t ibang pagsusuri o iksamen, kailangang bumalik para sa karagdagdagang pagkokonsulta.
|
|
Babayaran ang pagpapakonsulta at pagpapagamot sa tanggapan ng ospital kung saan ay isasauli rin ang health insurance card. Matatanggap din ang isang consultation card o kard ng ospital o klinika (Sa muling pagpunta sa ospital o klinika, ang consultation card lamang ang kailangang ibigay at hindi na ang health insurance card).
Kung kinakailangan, ang doctor ay magbibigay ng riseta sa gamot. Dalhin ang riseta sa pinakamalapit na parmasya para makuha ang gamot. (May mga ospital na may sariling parmasya.)
|
|