Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kalusugan at Pagpapalaki
at Pag-aalaga ng Bata

Mga pagamutan

Pagpunta sa Oospital

Kaibahan ng Paraan
sa panggagamot

Pagbibigay ng Gamot

Sistema ng Health Insurance

Health (Social) Insurance

National Health Insurance

Sustento para sa Pagpapagamot para sa mga Mag-aaral na Dayuhan

National Health Insurance

Ang programa ng national health insurance ay maaari sa lahat ng taong hindi maaari sa programa ng social insurance. Ang lokal na munisipyo ang nagsasagawa nito.

Ang mga dayuhan ay maaaring maging karapatdapat sa national health insurance kung:

(1) Nakatapos nang magparehistro bilamg isang dayuhan (>>Pamamaraan ng Alien Registration).

(2) Kung ang kalagayan ng bisa (>>Status of Residence at Tagal ng Pamamalagi) ay higit sa isang taon.
*Ang mga estudyanteng magtatagal sa bansang Hapon nang higit sa isang taon ay maaaring mag-aplay.
*Ang hulugan para sa natinnal health insurance ay magkaiba sa munisipalidad, kaya dapat tawagan
ang inyong lokal na munisipyo para sa mga kaalaman.

Halimbawa, ang taunang hulugan para sa national health insurance (medilkal) sa Morioka ay a+b+c+d

(a) taunang sahod – basikong binabawas (330,000 yen) × 9.3%
(b) buwis ng mga ari-arian × 28.0%
(c) 26,400 yen sa bawat isa na naka-insured
(d) 29,300 yen sa bawat sambahayan o pamilya

Ang mga taong may edad 40 hanggang 64 taong gulang ay nasasakop bilang secondary na naka- iusured sa sistema ng nursing insurance. Kabilang sa kanilang hulugan ay para sa medikal at para sa pagpapaalaga at binabayaran bilang isang buwis.

Halimbawa, ang bahagi ng taunang hulugan para sa national health insurance para sa pagpapaalaga ng isang mamamayan ng Morioka ay a+b+c+d:

(a) taunang sahod – basikong binabawas (330,000 yen) × 2.3%
(b) binabayarang buwis ng ari-arian × 43%
(c) 6,400 yen sa bawat naka-iusured
(d) 6,700 yen sa bawat sambahayan o pamilya