![]() |
![]() |
Kalusugan at
Pagpapalaki
|
|
Kaibahan ng Paraan Sustento para sa Pagpapagamot para sa mga Mag-aaral na Dayuhan |
Health (Social) InsuranceAng mga manggagawa ay karaniwang sinasali sa programa ng social insurance. Ang mga dayuhan ay maaari ring sumali sa programang ito. Ang mga kompanya ay inaatasan ng pamahalaan na isali sa insurance ang kanilang mga manggagawa kahit na sila ay magtatrabaho sa maikling panahon lamang. Ang hulugan ng insurance o insurance premium ay hinahatian ng manggagawa at ng kompanya kung saan ang bahagi ng manggagawa ay kinukuha mula sa kanyang suweldo (suweldo at bonus).Pinapasapi ng mga kompanya ang kanilang mga manggagawa sa Opisina ng Social Insurance (isang pambansang kagawaran) at pagkatapos ay makakatanggap ang manggagawa ng social insurance card. Ang pamilya ng manggagawa ay kusang nasasapi rin at walang dapat na bayaran. Kung sasali sa programa ng social insurance, kailangan ding sumali sa programa ng pensyon o ang welfare pension scheme (>>Pensiyon para sa Kapakanan). Ang hulugan para sa pension ay kinukuha mula sa suweldo. (Para sa datalye tungkol sa isang bases na bayad kung hihinto sa pension, Isang-beses na Pagkuha ng Pensiyon.
|