Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kalusugan at Pagpapalaki
at Pag-aalaga ng Bata

Mga pagamutan

Pagpunta sa Oospital

Kaibahan ng Paraan
sa panggagamot

Pagbibigay ng Gamot

Sistema ng Health Insurance

Health (Social) Insurance

National Health Insurance

Sustento para sa Pagpapagamot para sa mga Mag-aaral na Dayuhan

Sistema ng Health Insurance

Maraming mga tao ay may mga maling akala na mura ang pagpapagamot sa bansang Hapon. Dahil ito sa sistema ng health insurance. Kung maaaring gamitin ang health insurance, kailangan lang bumayad nang 30% ng halaga ng pagpapagamot.

Kaya pinakamabuting sumali sa programa ng health insurance, dahil sa pamamagitan ng pagbayad ng regular na premium (hulugan) ay maaari na itong gamitin sakaling magkakasakit. Hindi tulad sa travel insurance kung saan kailangan mong bayaran ang buong halaga at kaunti lang ang maibabalik sa iyo, sa programa ng health insurance, kailangan lang bayaran ang iyong parte (30%).

Ang karamihan sa mga tao ay maaaring sumali sa programa ng health insurance (social insurance) at national health insurance. Ang mga sumusunod ay mga benepisyong maaaring makuha sa insurance:

1 Sobrang halaga ng pagpapagamot

Kung kailangang bumayad ng higit pa sa tinakdang buwanang halaga ng pagpapagamot, maaaring makuha ang sobrang halaga ng pagpapagamot (ang tinakdang buwangang halaga ng pagpapagamot ay ayon sa iyong suweldo)

2 Isang-bases na Bayad sa Panganganak at Pag-aalaga ng Bata

Sa pagsilang ng isang sanggol ay maaaring makatanggap ng isang-beses na bayad sa halagang 300,000 yen. (Ang halagang ito at maaaring magkaiba ayon sa patakaran ng munisipalidad)

3 Halaga ng Pagpapalibing

Kung ang nakapangalan sa insurance o isang miyembro ng pamilya na naka-insured ay namatay, ang pamilya ay makakatanggap ng pera para sa pagpapalibing. Ang halagang ito ay nag-iiba ayon sa patakaran ng insurance at ng lokal na pamahalaan.