Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Kalusugan at Pagpapalaki
at Pag-aalaga ng Bata

Mga pagamutan

Pagpunta sa Oospital

Kaibahan ng Paraan
sa panggagamot

Pagbibigay ng Gamot

Sistema ng Health Insurance

Health (Social) Insurance

National Health Insurance

Sustento para sa Pagpapagamot para sa mga Mag-aaral na Dayuhan

Mga pagamutan

Ang mga pagamutan ay inuuri bilang ospital o klinika ayon sa sukat ng pagamutan (pero kadalasan ang mga pagamutan ay tinatawag na ospital). Ang mga ospital ay may maraming kagawaran o departamento, at kadalasan ito ay may mga in-patient bed. Kadalasan sa mga opisina/klinika ng doctor ay may kaunting mga in-patient bed (may ilan din na wala) at ito’y mga pribado.

Kung magpapagamot, maaaring piliin ang mga malalaki at kumpletong ospital ngunit kadalasan ang serbisyo para sa out-patient ay sa umaga lamang, at kadalasan ay may marami pang ibang mga pasyente na naghihintay para matingnan. Maaari ring pumunta sa mga klinika o maliliit na ospital ng mga pribadong doctor, at ito ay bukas mula umaga hanggang sa hapon. Kadalasan ang mga pribadong doctor na ito ay may mga karanasan na sa isa sa mga malalaking ospital. Malamang sa pagkakataon ng pagkakaroon ng sipon o hindi malubhang sakit, pinakamabuting pumunta sa isang pribadong doctor.

[Mga Kagawaran sa Pagamutan (Medical Departments)]

Uri ng Kagawaran Uri ng Sakit o Mga Nararamdaman
internal gastroenterology (may kinalaman sa panloob ng katawan) sipon lagnat, hindi mabuting pakiramdam, sakit sa tiyan at iba pa
external, orthopedics(may kinalaman sa panlabas ng katawan) bali sa buto,pilay,sugat,pulikat o kalambre (paa at braso)
obstetrics & gynaecology(may kinalaman sa pambabaeng bahagi) pagbubuntins, panganganak, mga kondisyong may kinalaman sa bahagi ng babae
Paediatrics(may kinalaman sa mga bata) Para sa mga bata
Ophthalmology(may kinalaman sa mga mata) mata
Otorhinolaryngology(may kinalaman sa tainga, ilong o lalamunana) tainga, ilong at lalamunan
Dental(may kinalaman sa ngipin) sakit sa ngipin
(Para sa biglaang pagpapagamot sa gabi, pakitingnan ang)