Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamumuhay sa
Iwate

Ang mga Broadcast dito sa daigdig

Ang Brodkas na Satellite
(Brodkas na BS, Brodkas na CS)

Bayad sa Suskrisyon sa NHK

Bilingual Broadcasts

Cable Television

Radyo

Bayad sa Suskrisyon sa NHK

Maliban sa NHK (Nippon Hoso Kyokai), ang pampublikong Japan Broadcasting Corporation, may iba pang mga istasyon ng telebisyon na nagbibigay serbisyo sa bansang Hapon. Bagamat ang mga istasyong ito ay kumikita sa pamamagitan ng mga anunsiyo o advertaisement, ang pando ng NHK ay galing sa bayad ng mga tagapanood ng NHK.

Kaya kapag nagkabit ng telebisyon na mapapanood ang NHK, kailangan tanggapin ang brodkas ng NHK at makipag-kontrata sa pagtanggap ng brodkas ng NHK.

Ang NHK ay naghahatid din ng programa gamit ang satellite na tanatawag na BS (Broadcast Satellite). Ang mga tagapanood ng mga programang ito ay sinisingil ng karagdagang bayad.

[Bayad sa NHK]
・Kontrata sa color 2,790 yen sa 2 buwan
・Kontrasa sa satellite color 4,680 yen sa 2 buwan
(Kasama ang kontrata sa color)
*Makakakuha ng diskuwento kung magbabayad sa banko at para sa isang taon na bayad

Bilingual Broadcasts

May mga programang mapapanood sa wikang Hapon at Ingles. Para makapanood nito, kailangan ng isang telebisyon o video na maaaring makakuha ng dalawang wika.